photography.
music.
theater.
novels.
travel.
food.
fashion.
adventure!
twitter
multiply
deviantart
plurk
facebook
myspace
got questions?... shoot!
(Source: fuckyeahthefeelingyouget)
kung sasabihin sakin na alalahanin yung mga da best moments kasama ka… yung totoo, mahihirapan ako. sa dami ba naman nun… gradeschool pa lang sobrang dami na… simula sa pag hingi mo ng baon ko tuwing lunch break, yung tender juicy hotdog at malamig na kanin… paglalaro natin ng 10-20, at padumihan ng medyas ang ending nun… hanggang sa panghihiram mo ng ipit ko na may palawit na beads at butterfly na gumagalaw. ang dami talaga te. dati, natutuwa ako lalo pag bakasyon tapos malalaman ko na pareho tayo ng section sa next school year… ikaw din naman kasi ang kadikit ko. dati pa lang, alam ko ng babaeng beki ako at mapapasama ako sa mga beki for a very long time… at bata pa lang tayo alam kong beki ka na!!! kaya bonggang gulat ko nung nakita kita nung first day of school sa PUP… te? ananyare? bakit lalake ka na?! eh ang harot harot mo nung nasa gradeschool tayo?! hahah adik ka. alam kong front mo lang yun… alam nating no one will stop you from making ladlad sooner or later… you know?! :P tama naman ako, sa mga unang araw lang talaga yun.
sa buong college years, may kasabay ako pumasok… salamat sa pagsabay sakin sa pagpasok ha? minsan nauuna ka pa talaga sa liwasan. pero quits lang kasi minsan matagal ka din eh, naintindihan ko, nagpapaganda ka pa kasi eh. yung hbc pressed powder, #1 ang gamit mo. ang puti nun! #3 lang ang saken… yung mga sinisipat nating college boys sa lrt, titingin sa name plate at hahanapin sa facebook… pati si three some! naka hrm uniform with a twist of nursing. lahat ng panlalait at pandadaot sa mga tao around us, funny na mga kwento, panalo. magsama pa kayo ni marlon. nako. enough said… pati sa pagsabay sakin pauwi, salamat din… yung mga near-death experiences natin with holdapers and manyak people… yung matandang manyak na patagong kumukuha ng picture sayo db? pati yung holdaper na tumabi saken pero yung isang babae ang balak nyang nakawan, buti na lang, wala naman kasi tayong pera! mega takbo pa tayo pag baba natin ng jeep baka habulin tayo. kaloka lang?! :D
salamat sa pagtuturo saken kung paano pumarty ng very hard! kayo ni justine… alam mo yan! party animals… :) minsan nga kahit ikaw lang naman talaga ang paparty, sinasama mo ako sa pagpapaalam mo… ang paalam mo kay tita ako ang kasama mo pero hindi naman. echosera ka talaga! pero don’t worry, hindi kita isusumbong, secret natin yun. :)
mamimiss ko ang biglaang pagpunta mo sa bahay para makikain. natutuwa sayo masyado si mama… kahit bahaw kasi, walang kaabog abog na titirahin mo… hanggang nitong huling punta mo sa bahay, yung nutella at tinapay, pinapak nyo ni sarah. :) hindi ko naman alam na huli na pala yun. sana pinaubos ko na sayo.
ikaw lang din eh, hindi ka naman nagsabi na ganun katindi na yung nangyayari sayo nitong mga nakaraang araw. hindi man lang kami nakadalaw sayo. pero naisip ko naman, ok lang din te… hindi din ata namin kaya makita na ganun ka. ok na kami sa memories na happy tayong magkakasama… yung lakas ng tawa nyo. makulit. lakas mang asar. lahat na.
lahat kami iniisip na panaginip lang to te, makikita ka pa namin ulit. parang joke lang ba? ganun. sabi ko nga sayo paparty pa tayo eh… :) salamat sa lahat te. noong unang araw ng wake mo, dami na nakwento ni tita sa amin… pati pala yung usapan natin na pag umabot tayo ng 40yo at single pa rin tayo, tayo na lang ang magkakatuluyan… pati pala yun nakwento mo sa kanya. eh paano yan? mukang imposible na o ayaw mo lang din talaga saken no?! :P ikaw din… ako pa pinalagay mo ng bulaklak dun sa kabaong mo te, ang hirap. hindi nga agad kami nakalapit sayo pagpasok eh diba. ang hirap. kasi naman…
isa ka sa pinaka super duper friends ko, alam mo yan. never ko naman naisip na mangyayari yung ganito te… looking at you now, alam ko you’re in a place na happy ka. mabigat para sa aming friends mo na tanggapin, ayaw talaga mag sink in te eh… sana naging masaya ka din with us, kasi kami soooobrang masaya talaga. Salamat.
nabasa mo na yung five people you meet in heaven diba? sino yung mga nameet mo te? if ever saken, pwede bang isa ka na sa five? :) para fun! pero saka na yun ha? sa tamang oras na te… makakaasa kang hindi ka namin makakalimutan, sa dami ng memories natin together eh… kami na lang ang dadalaw sayo, wag na ikaw ang dumalaw. ok? malinaw ba te? :)
dapat handwritten talaga tong sulat na to, pero yun kasi ang nirereklamo mo saken lagi pag exam at kaya nga notes ni epeng ang hinihiram mo lagi. hindi mo maintindihan ang sulat ko. sulat doktor, eh baka hindi mo to mabasa, nahirapan ka pa… kaya typewritten na lang te. :) mahal na mahal kita. mahal na mahal ka namin. for sure, matutuwa ka sa dami ng pumupunta sayo at dumadalaw. ganun ka!
hanggang sa susunod na party te. mag killer heels ako at bonggang dress! yung guestlist wag mo kalimutan… reservations for vip ha!
magkikita pa tayo te. mahal kita.
*alam ko nabasa mo na tong sulat ko sayo. kasama to ng crocs mo, isinama ni tita. ibinilin ko…
40 days na te… ang daming handa ni tita, ang sarap lahat ha, nasira diet ko… lalabas pa naman ako sa fhm te! hindi ko napigilan kumain! :) kamusta ka ba? ang bigat pa rin eh. iniisip ko na lang na nasa abroad ka, wala kang internet dyan kaya hindi ka nagrereply sa mga tweets ko, FB posts ko… hindi ka naka-roaming kaya hindi ka din nagrereply, cannot be reached. :’(
sa mga kwento tungkol sayo, sa mga pictures natin… buhay na buhay ka… friend, miss na miss na kita.
NIGHTNIGHT by DEDDY